Share:

By: Margaret Padilla

Naging trending topic sa bansa si Janella Salvador at ang official episode hashtag na “#DarnaValentina” mula Setyembre 1, dahil ang supervillain na si Valentina, na ginampanan ng aktres bilang Regina Vanguardia, ay na-reveal sa pinakabagong episode ng Mars Ravelo’s Darna.

Sa Twitter, mahigit 16,000 likes ang nakuha ng nasabing hashtag at hanggang ngayon ay trending pa rin

Ikinatuwa ng online community ang kontrabida na naging viral rin ang pangalang ‘Janella Salvador’ kasabay ng hashtag.

Ayon sa ABS-CBN, ang kalaban ni Darna na may buhok na ahas na si Valentina ay nag-debut sa kanyang TV sa episode na ipinalabas kahapon. Sa nasabing episode, halos mawala ang katinuan ni Regina Salvador dahil sa galit at nag-transform siya sa kanyang masamang katauhan.

Kung pinuri ng ilang netizens ang horror twist ni “Darna” para sa rebelasyon, pinuri naman ng iba ang nakakabagabag na pag-ganap ni Salvador sa babaeng may buhok na ahas.

Ang kanyang kapwa Kapamilya actress na si Jane De Leon, na gumanap bilang Narda/ Darna, ay nag-tweet, “pakagat ako, Valentina,” bilang nanguna sa excitement ng lahat. 

Bukod dito, narito ang ilang reaksyon ng mga netizens sa Twitter hashtag na #DarnaValentina:

It’s Valentina’s night! 

This scene is a freaking masterpiece! 

Janella Salvador proves that she is the best choice for Valentina in this generation. She ssslay! 

Hail, our new generation Valentina!

OMG love how they build up the tension between Darna and Valentina!

Just wow! Kudos ABS-CBN and also to Janella Salvador!

So beautifully creepy. Valentina is out! 

Super villain na mamahalin ng lahat!

Can’t deny Janella Salvador’s supremacy. This scene gives me goosebumps. She’s really an actress for a reason! 

Ayon sa Philippine Star, nag-atubili si Salvador na gumanap bilang Valentina ngunit nagustuhan niya ito dahil siya ay isang “kontrabida na may puso.”

Ipinahayag ng aktres sa isang panayam para sa cover ng Metro Magazine na ang karakter ng Valentina ay lubhang kakaiba sa lahat ng mga papel na ginampanan niya. “Usually, mabait, or ‘yung inaapi. This time, I’m the bad guy,”aniya. 

“Because she is such a character, she is a lot of fun to play. She is enormous, incredibly assertive, intelligent, a lawyer-turned-vlogger, and she adores fashion. I’m having a great time, ang pahayag ng actress. (Photo/s: ABS-CBN Entertainment on YouTube)

Leave a Reply