Share:

By Frances Pio

––

Isang Japanese national ang natagpuang patay sa ikaanim na palapag ng isang condominium sa Makati City madaling araw nitong Huwebes, sabi ng pulisya.

Sa isang ulat, sinabi ng National Capital Region Police Office na ang bangkay ni Takaoka Shigeo ay nadiskubre na napapalibutan ng mga basag na glass panel habang may isinasagawang maintenance check malapit sa swimming pool area ng condominium.

Iniulat ng mga tauhan ng maintenance ng condominium na sina Jover Ramos at John Gabriel Atencio ang pangyayari sa security team, na kalaunan ay humingi ng tulong sa San Isidro Police Substation.

Ang CCTV footage na nakuha sa paunang imbestigasyon ay nagsiwalat na si Shigeo ay “nakitang gumagala sa roof deck na mag-isa, kaya [ang teorya] maaaring nahulog ito mula sa rooftop.”

Sinabi ng mga awtoridad ng pulisya na iimbestigahan pa nila ang insidente upang matukoy ang mga pangyayari sa pagkamatay ni Shigeo.

Leave a Reply