Share:

by Jude Sagun

––

Jessy Mendiola/Youtube

Manila. Philippines — Matapos ang pag-iisang dibdid noong 2021 ng celebrity couple na sina Luis at Jessy Mendiola-Manzano, inanunsyo nila ngayong Huwebes na malapit na silang maging mga magulang. 

Sa Youtube video ni Jessy, makikita ang mga sweet video ng actor-host. Sa kalagitnaan ng video, ipinakita ng aktres ang kanyang pregnancy test na positibo ang resulta, pati na rin ang ultrasound photos ng kanilang magiging baby ni Luis. 

Kapansin-pansin na rin ang baby bump ni Jessy sa mga bagong video nilang mag-asawa na kinunan pa sa isang chapel sa Benguet. Sa ngayon, wala pang detalye kung ilang buwan ng buntis ang aktres at ng kasarian ng magiging anak nito. 

Ayon kay Jessy at Luis, plano sana nilang magpakasal sa simbahan ngayong taon, pero hindi muna ito matutuloy dahil sa anya’y “wonderful blessing.” 

“No matter what your plans are, HE has a divine plan for you, one that is definitely BETTER than what you have imagined. His plan is always the best,” saad ng mag-asawa, kalakip ng naturang video. 

“To our supporters, thank you for being with us since day one. Join us as we enter this new journey in our lives as parents,” dagdag nito. 

Leave a Reply