Share:

By Jude Sagun

Nagtapos na rin ang yugto ng pag-iibigan ni JK Labajo at Maureen Wroblewitz, matapos mag-post si JK ng mensahe ng pamamaalam sa model-actress.

“Magka-ibigan na ngayo’y matalik na magkaibigan. Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nag-iisa kong buwan. Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli,” Ani JK. 

“Ikaw ay malaya nang lumipad, aking paruparo,” dagdag nito. 

Ibinahagi rin ni Maureen sa kanyang Instagram story ang naturang post ni JK at nag-post ng quotation image: “Life is not happening to you, life is happening for you.” Kung saan saad niya sa kanyang caption, “Some things come to an end and that’s okay. But now it’s time to grow on our own.” 

Tumugon dito si JK kung saan sinabi niyang maswerto siyang nakasama si Maureen ng ilang taon. 

“I am the luckiest person in the world to have spent the past years of my life with you and I wouldn’t choose anybody else to have spend those ears with.”

“You’ve taught me so much and I have learned, I am learning, and I will learn more. We are both so young and we have to eniov ourselves. I want to see you succeed. I love seeing you achieve your dreams. You will. We will.”

“Here’s to growth and love for ourselves. For there is no greater love than self-love. Dankeschon. Ich liebe dich and auf wiedersehen.”

Taong 2018 nang maiugnay ang dalawa matapos magsama sa music video ng hit song ni JK na ‘Buwan.’ Ilang buwan ang lumipas ng unti-unti na nilang isinapubliko ang kanilang relasyon. 

Matatandaang naging supportive boyfriend si JK kay Maureen nang sumali ang Asia’s Next Top Model 5 winner, sa Miss Universe Philippines 2021 kung saan itinanghal siyang 1st runner up. Suportado din ng singer ang ‘pagbida ni Maureen sa mga romcom movies kahit iba ang katandem nito. 

Wala pang opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa dahilan ng hiwalayan.
 
Kamailan lamang ng maiulat ang hiwalayan ng celebrity athletes na sina Alyssa Valdez at Keizer Ravena at ng mag-asawang singer na sina Moira Dela Torre at Jason Hernandez

Leave a Reply