Share:

By Margaret Padilla

Ang rumored sweethearts na sina Joshua Garcia at Bella Racelis, ay muling pinag-usapan matapos nilang mag-post ng mga larawan na kuha mula sa Japan. 

Noong Miyerkules, Disyembre 28, napansin ng mga netizen ang pagkakahawig sa kani-kanilang mga post sa Instagram, na nagpalakas ng mga usap-usapan kung magkasama sila sa bakasyon sa naturang bansa.

“Myday pa lang ni joshua alam na magkasama na kayo eh. So happy for you both,” ang sabi ng isang fan sa Instagram post ni Bella. 

May isa pang nagbiro sa post ni Joshua, “Photographer reveal,”

Mula sa maraming beses na nakita silang magkasama hanggang sa pagtatanggi ni Joshua sa kanilang relasyon at ipinahayag ni Bella kung gaano siya hindi nababahala sa mga online trolls, kumakalat na naman social media ang mga balitang nag-uugnay sa dalawa mula noong Agosto 2022, nang magkausap sila sa comments section ng post ni Racelis.

Hanggang ngayon, hindi pa ibinubunyag ni Joshua at Bella ang tunay na katayuan ng kanilang relasyon.

Leave a Reply