Share:

Isang 24-anyos na lalaki na tubong Bacoor, Cavite, ang nagsampa ng civil case laban sa aktor at kandidato sa pagkakongresista ng Cebu City North District na si Richard Yap, para kilalanin bilang kanyang anak.

Si Joshua Paolo Jenson na kasalukuyang naninirahan sa Barangay Sambag II ay nagsampa ng kaso para sa compulsory recognition noong Oktubre 28 sa Regional Trial Court (RTC) sa Cebu City upang humingi ng tulong sa korte na makipagkita si Yap sa kanya.

Si Atty. John Gadon, isa sa mga abogado ni Jenson, ay nagsabi na ang compulsory recognition ay magpipilit kay Yap na kilalanin si Jensen bilang kanyang anak at pagkakalooban siya ng mga karapatan ng isang anak.

“Ang case nga nafile, ang nature nun kay ang compulsory recognition of a natural child. Pag hindi voluntarily nirecognize, the complainant or plaintiff can file a judicial recognition of natural child,” ayon kay Gadon.

Maaari na ang hukuman ay humingi ng DNA test upang patunayan ang biological relation nina Yap at Jenson at maaaring hilingin ito ng korte kung papayagan nito ang petisyon ng nagsasakdal na si Jenson. (By: Frances Pio)

Leave a Reply