Inamin ni Juan Karlos “JK” Labajo, isang OPM singer, na malaking hamon para sa kanya ang mapili para sa papel ng senador na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa upcoming musical film na “Ako si Ninoy.”
“I guess with acting that’s like the hardest thing you can do, portraying a real-life character. Doon ako pinaka na-challenged talaga,” ang pahayag ni Labajo noong Huwebes sa isang panayam ng TeleRadyo’s Sakto kasama ang direktor nito na si Vince Tañada.
Sinabi ng singer-actor na talagang ‘defining’ para sa kanya ang pagiging cast sa role ni Ninoy Aquino.
“I guess the singing side hindi po masyado kasi the songs we recorded were really beautiful as well. What was really changing for me was the role itself of Sir Ninoy Aquino.”
Kinumpirma niya na laking gulat niya nang ialok sa kanya ang role.
“Initially po I was dumbfounded actually. I didn’t know why. That was the very first question I asked Direk Vince.”
Kalaunan ay ipinaalam ni direk Tañada na mayroon siyang listahan ng mga artista na kanyang isinasaalang-alang, ngunit pinili niya si Labajo dahil gusto niyang maabot ang mas batang madla.
“And because I have the advantage of knowing how to sing. I think that really fits the whole idea of the film, especially being a musical,” ang dagdag pa ni Labajo.