By Frances Pio
––
Hindi na maglalaro si Kai Sotto sa 2022 NBA Summer League sa Hulyo pagkatapos niyang piliing maglaro sa Gilas Pilipinas.
Ilang sandali matapos hindi tinawag ang pangalan ni Sotto sa 2022 NBA Draft, ibinunyag ng kanyang handler na si Joel Bell sa PlayItRight TV na nakatanggap siya ng ilang imbitasyon para sa 7-foot-3 center sa Summer League.
Gayunpaman, sinabi ni Bell na hindi lalahok ang 20-anyos sa summer league at sa halip ay maglaro para sa Philippine Men’s Basketball team.
“I’ve already got several Summer league invites for him. But Kai has decided to play for the Filipino national team,” sinabi ng agent kay Quinito Henson at Gretchen Ho.
“That’s his commitment and he’s very dedicated towards Filipino things, Filipino pride, Filipino activities. He’s gonna pass up the Summer league and play with the Philippine national team,” dagdag pa niya.
Ngunit kalaunan ay nilinaw ni Kai Sotto sa isang tweet na “no decision has been made” tungkol sa paglalaro sa Summer League at ang kanyang agent “nagkamali” lang.
Karamihan sa mga naghahangad makasali sa NBA — kahit na ang mga undrafted players — ay dinadala ang kanilang mga skils sa Summer League para sa isang pagkakataon na mapabilib ang mga coach at scout.
Hindi rin kukuha si Sotto ng two-way o exhibit 10 contracts mula sa NBA, ayon kay Bell.