Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Miyerkoles, sinabi ng dating kalihim ng Department of Agriculture na si William Dar na ang kakulangan ng sibuyas ay dahil sa mahinang pagpaplano ng naturang ahensya.

Aniya sa isang panayam sa ANC, alam na nitong may kakulangan ngunit tanong din ni Dar kung bakit hindi nito itinuloy sa pag-import.

“They knew there was deficiency… but ang question ay, why did they not proceed [with the importation]?” ani Dar.

Nabalaan na ang mga opisyal ng ahensya ukol sa posibleng kakulangan ng sibuyas dahil sa humihinang na suplay nito.

“So, at the end of the day, the bottom line, after all this, borrowing the lines of the Senate hearing, this is the net result of the poor planning of the Department of Agriculture,” dagdag pa ng dating opisyal ng DA.

Matatandaang pumalo hanggang P700 kada kilo ang presyo ng sibuyas noong holiday season.

Mungkahi naman ni Dar na kailangan na ng full-time na kalihim ng DA dahil kailangang mapagtuunan ng pansin ang naturang krisis.

Leave a Reply