Share:

By Frances Pio

Patuloy na tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa Western Visayas pagkatapos ng apat na buwan ng patuloy na pagbaba.

Iniulat ng Department of Health (DOH) sa Western Visayas na noong Hunyo 19, ang average daily cases ay umabot sa 19, mas mataas kaysa sa average na walong daily cases noong Abril.

Ang average na bilang ng mga daily cases ay bumaba sa taong ito mula sa 828 noong Enero.

Ang mga kaso sa rehiyon mula noong nagsimula ang pandemya ay umabot sa 184,152, kabilang ang 5,963 pagkamatay at 681 mga pasyente noong Hunyo 19.

Nasa Alert Level 1 ang Western Visayas, at nasa Alert Level 2 naman ang mga probinsya ng Antique at Negros Occidental.

Ngunit tumaas ang kaso sa nakalipas na dalawang linggo at naitala ito sa Iloilo City at Capiz at Guimaras provinces.

Noong Hunyo 20, 35 na bagong kaso ang naiulat, kabilang ang pitong pagkamatay.

Umabot sa 5,105,806 ang bilang ng mga fully vaccinated sa rehiyon noong Hunyo 20. Ito ay 79.45 porsyento ng target na 6,426,433.

Sinabi ni Negros Occidental Administrator Rayfrando Diaz na hindi bababa sa 22 lokal na pamahalaan sa lalawigan ang nanatiling nasa ilalim ng Alert Level 2 at kailangang mabakunahan ang 70 porsiyento ng kanilang target laban sa COVID-19 upang ma-deescalate sa Alert level 1.

“The performance of each local government, with respect to vaccination, is critical in the de-escalation of their alert levels,” sinabi ni Diaz.

Kailangang kumbinsihin ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang mas maraming mamamayan na magpabakuna.

“We are calling on the 22 local governments to help ramp up their vaccination drives,” dagdag ni Diaz.

Leave a Reply