Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Planong buksan ng Mutya ng Pilipinas ang kumpetisyon para sa mga transgender, ayon sa inihayag ng pamunuan nito.

Sabi ni Cory Quirino, pangulo ng nasabing pageant, nitong Miyerkoles sa isang media presentation ng mga kandidata sa Pasay City, iyon ang kanyang pinangarap, ang makapagbukas ng kategorya para sa mga kapatid nating transgender.

Taong 2011 aniya nang maisip niyang maging parte ang pagiging inklusibo sa mga layunin ng organisasyon.

Hindi pa nababanggit ni Quirino kung kailan nila sisimulan ang paghahanap para sa nais nilang ilunsad na kategorya sa Mutya ng Pilipinas.

Leave a Reply