Sa patuloy na problema na kinakaharap ng Philhealth, naniniwala ang Presidential Anti-Corruption Commission na maaaring malinis ang anumalyang nagaganap sa loob ng Philhealth.
“Kaya po ‘yan. ‘Di po ako naniniwala na ‘di matatapos ito ng 6 months. You put the right system, put the right people, do the right thing, 6 months ‘yan ma-improve ‘yan,” ani ni PACC Commissioner Greco Belgica
Ayon pa sa kaniya mayroong mga pribadong sektor na nais tumulong nang walang bayad upang maisaayos ang kanilang sistema. Mayroong dalawang paraan upang maisaayos ang anumalyang nagaganap sa ahensya ito ay ang pagtanggal sa mga korap na opisyal at pagbabago ng kanilang sistema.
Naniniwala din siya na kung ang Presidente lamang ang tatanggalin sa pwesto ay hindi matatapos ang anumalyang nagaganap sa ahensya, kaya dapat ay kasama ang mga tauhan sa ilalim nito.