Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Lunes ng umaga, Nobyembre 21, nagsagawa ng kilos-protesta ang grupo ng mga militanteng rallyista sa Maynila sa pagbisita ni United States Vice President Kamala Harris.

Batid nila ang pagsasalungat sa tulong military ng US sa pamahalaan ng Pilipinas, gayundin sa Enhanced Defense Corporation Agreement (EDCA) at iba pang mga usapin sa tatlong-araw na pagdalaw ng nasabing opisyal ng Estados Unidos.

Ayon sa isang ulat, nagpulong ang mga nagprotesta sa gawing Recto Avenue sa kahabaan ng Nicanor Street sa Morayta.

Ilan sa mga kabilang sa naganap na kilos-protesta ay mula sa Kilusang Mayo Uno, Bagong Alyansang Makabayan, Kabataan party-list at Gabriela party-list.

Nakita ring sumama sa protesta ang kinatawan ng Gabriela party-list na si Liza Masa at si Teodoro Casiño Jr, kinatawan ng Bayan Muna party-list.

Leave a Reply