Share:

By Margaret Padilla

Nakabalik na sa Maynila ang isa sa pinakapaboritong Korean actor ng mga Filipino fans.

Dumating si Kim Soo-hyun sa Maynila noong Lunes ng gabi, para sa nakatakdang fan meeting ngayong gabi, Enero 17 sa Smart Araneta Coliseum, na inorganisa ng Dunkin’ Donuts, ang pinakahuling endorsement ng aktor.

Dumating si Kim Soo Hyun, na madalas nang dumadalaw sa Pilipinas, na nakasuot ng maluwag na long-sleeved hoodie sweatshirt at maluwag na itim na pantalon.

Dagdag sa kanyang get-up ang isang itim na sling bag, isang baseball cap, at isang itim na face mask.

Maraming tagahanga ng lead actor ng “It’s Okay Not To Be Okay,” “The Moon Embracing The Sun,” at “My Love From The Star” ang matiyagang naghintay sa kanyang pagdating kagabi at malugod siyang binati sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang ibang mga tagasuporta ay may dalang welcome tarpaulins at banners, habang ang iba ay may hawak pang mga sulat at regalo, ayon sa PhilStar News.

Samantala, ang iba pang tagahanga ng aktor at netizens ay gumamit ng social media, tulad ng Twitter, upang batiin ang Korean superstar sa kanyang pagdating.

“Welcome back #KimSooHyun so pogiii parin!!!” 

“Probably won’t be seeing Kim Soo Hyun today, but hope you have a great show idol.”

“Welcome back to PH 🇵🇭Oppa Kim Soo Hyun. Salamat @dunkinph.”

(Photo courtesy: Dunkin’ Donuts)

Leave a Reply