Share:

By Frances Pio

––

Ipinagpatuloy ang klase nitong Huwebes, Setyembre 1, isang araw matapos masunog ang 101-taong-gulang na gusali ng Gabaldon ng Lala Proper Integrated School sa Barangay Lala Proper, Lala, Lanao del Norte madaling araw ng Miyerkules, Agosto 31.

Daan-daang estudyante ang nag-aaral sa mga makeshift na silid-aralan, sa mga tolda na ibinigay ng Lokal na Pamahalaan ng Lala at sa gym at basketball court.

Sinabi ni Secondary Principal II Marilou Apat na binabalak ng paaralan na magtayo ng tent bilang pansamantalang silid-aralan upang magpatuloy ang mga klase at hindi mahadlangan ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

“Ang plano namin ay iyong open gym. Ang gagawin muna namin na mga classroom, then tent will be placed at the basketball court, and to the barangay hall if needed,” sinabi ni Apat.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga estudyante sa sunog na sumira sa kanilang paaralan.

“We’re weakened and deeply hurt to see our school burned, newly renovated, and as this is the only school that is near to where we reside,” sinabi ni Grade 12 student Julie Ann Yongco, residente ng Barangay Matampay Bucana sa Lala.

Sinabi ni Mafe Confesor Laroco Mesias, sa isang Facebook post, na ang paaralan ay 100-taong-gulang, bagong ayos, at puno ng mga alaala.

“100-year-old existing cultural building, that were many professionals come from Lala. Saan man sa mundo nakarating, can’t never forget the old Gabaldon building…memories of childhood,” sinabi ni Mesias, pinuno ng Matampay Elementary School sa Lala at graduate sa LPIS.

Sinabi ni Lala Vice Mayor Cesar Yap na ang LPIS ang kauna-unahang integrated school na itinayo sa Lala dahil sa napakaraming mga estudyante sa Lala National High School. Ang LPIS ay mayroong 3,000 estudyante.

Plano ng Department of Education at ng Lokal na Pamahalaan ng Lala na magtayo ng bagong gusali ng paaralan kasama ng iba pang ahensya ng gobyerno.

Leave a Reply