By: Margaret Padilla
Iniutos ng Court of Appeals (CA) na sampahan ng kasong rape at acts of lasciviousness ang aktor at television host na si Ferdinand “Vhong” Navarro dahil sa umano’y sekswal na pang-aabuso sa modelong si Deniece Milinette Cornejo noong 2014.
Sa isang 26 na pahina ng desisyon, binaliktad ng CA 14th Division at isinantabi ang mga nakaraang resolusyon ng Department of Justice (DOJ) noong 2018 at 2020, na nag-dismiss sa reklamo ni Cornejo noong 2014 na nag-aakusa kay Navarro ng tangkang panggagahasa, sa isang desisyon na may petsang Hulyo 21, 2022.
Dahil dito, inutusan ng CA ang City Prosecutor ng Taguig City na magsampa ng rape by sexual intercourse at acts of lasciviousness charges laban sa aktor.
Isinulat ni CA Associate Justice Florencio Mamauag Jr. ang desisyon, kasama sina Associate Justices Victoria Isabel Paredes at Mary Charlene Hernandez-Azura.
“Cornejo decries attempted rape on the night of January 22, 2014, while Navarro denies any wrongdoing. We reiterate once more that the preliminary investigation is not the proper venue for the respondent’s guilt or innocence,” ang pahayag ng CA.
Ayon sa CA, ang alegasyon ni Cornejo na siya ay unang nakatakas upang makaiwas kay Navarro, ngunit naabutan siya nito upang isulong ang kanyang masamang layunin ay sumasagot sa elemento ng puwersa at pananakot.”
Dinemanda ng modelo ang aktor noong Enero 22, 2014, para sa umano’y sexual assault noong nasabing gabi na labis na ikinasugat ni Navarro. Nagsampa si Cornejo ng tatlong magkakahiwalay na reklamo laban kay Navarro.
Sinabi pa ng CA na ang mga ganitong kaso, kung saan tinitimbang ang kredibilidad ng nag-akusa at ng akusado, ay dapat maganap sa panahon ng tamang paglilitis sa korte.
Sa kabilang banda, sina Cornejo, Cedric Lee, at iba pa nilang kasama, ayon kay Navarro, ay umatake at nangikil sa kanya. Sinasabi ng kampo ni Cornejo na nasugatan si Navarro habang tinatangka nitong halayin si Cornejo at nahuli ito nila Lee at ng kanyang mga kasama.