Share:

By: Jude Sagun

MANILA, Philippines — Kamakailan lamang ng ibinunyag ng kapatid ni Queen of All Media, Kris Aquino na si Ballsy na apat na autoimmune disease sa katawan ng aktres ang patuloy na hinahanapan ng gamot ng mga doktor. 

Sa kabila nito, ibinahagi ng kaibigang manunulat ni Kris na si Dindo Balares na masayahin pa rin ang aktres kahit nakakabahala na ang sitwasyon nito ngayon. 

Sa Facebook ni Balares, ibinahagi nito na nakakausap niya pa rin si Kris online, at anya’y masarap at masaya pa rin itong kausap. 

“Huwag po masyadong mag-alala ang mga nagmamahal kay Kris, masarap at masaya pa rin siyang kausap,” he said. “Sa katunayan, ang isa sa messages niya, ‘Kuya Dindo antok na ko pero SUPER comedy talaga kami ni Ate!” Saad ni Kris patungkol sa kanyang ate Ballsy na nagbalita sa kalagayan nito. 

“Let’s continue praying na gumaling na si Krisy, maraming-maraming salamat po sa pagmamahal,” dagdag ni Balares. 

Patuloy na nagpapagaling ngayon si Kris sa United States kasama ng mga anak na sina Bimby at Josh. 

Leave a Reply