Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking nangmolestiya umano sa isang menor de edad sa Lungsod ng Parañaque, nitong Lunes, Nobyembre 21.

Hinuli ang suspek sa reklamong panghihipo at inaresto sa pinagtatambayan nitong terminal ng mga tricycle sa nasabing lugar.

Base sa pulisya, noong Hulyo, tatlong beses naganap ang pambabastos ng suspek sa loob ng isang linggo.

Magkaibigan anila ang suspek at ang pamilya ng biktima nito, na siya ring kapitbahay.

Aminado naman ang salarin na ginawa niya ang panghihipo ngunit itinatanggi nito ang bilang ng pambabastos na ayon sa pulisya.

Hiling ng suspek na mapatawad siya ng kaniyang biktima.

Hindi ko naman talaga sinasadya yung nangyari. Dala lang po siguro ng alak,” aniya.

Haharap naman ang salarin sa tatlong bilang ng kasong acts of lasciviousness.

Leave a Reply