Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Patay matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang lalaking nag-iinom sa terminal ng tricycle sa Lipa City, sa probinsya ng Batangas, noong Sabado.

Ayon sa mga ulat ng mga awtoridad, si Alfredo Mercado, isang 70-anyos na tricycle driver, ay kabilang sa mga nag-iinuman sa nasabing lugar ng krimen, partikular sa Barangay Sabang, nang may biglang nagpakitang armadong lalaki at binarily ang biktima sa ulo.

Inilarawan ang suspek na nakasuot ng jacket na kulay gray, naka-cap at denim pants, at nakatakas matapos ang krimen.

Sinubukang dalhin ang biktima sa San Antonio Medical Center ngunit binawian ito ng buhay habang patungo sa nasabing ospital, dahilan ang tama nito sa bahaging likod ng ulo.

Iniimbestigahan naman ng pulisya ang pangyayaring naganap.

Leave a Reply