Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Ilang araw bago ang Bagong Taon nang arestuhin sa Quezon City ang isang lalakeng nambugbog at nanghalay sa dati niyang nobya.

Ayon sa pulisya, mayroong tinitindang leche flan ang babae at nagpanggap na bumibili ang suspek gamit ang isang dummy account sa social media.

Nakipagkita ang biktima sa lalaki upang i-deliver ang leche flan na binili umano ngunit nang magtagpo, imbis na kuhanin ang order na panghimagas, agad kinuha ng suspek ang cellphone ng dati niyang kasintahan.

Nais ng lalaki na makipag-usap sa biktima kaya hinikayat niyang magpunta sila sa kanyang bahay.

Nabasa ng suspek ang mensahe mula sa cellphone ng babae na tila may umaaligid na manliligaw.

Nang mabasa ito ng suspek, sinaktan umano ng lalaki ang kanyang ex-girlfiend.

Nanghingi naman ng tulong sa isang barangay ang biktima matapos makatakas sa naturang lugar ngunit pasa sa mga kamay at braso ang natamo pa rin ng biktima.

Isiniwalat din ng pulisya na nais magsampa ng kaso matapos ang pangyayari laban sa kanyang ex-boyfriend.

Haharap naman sa kasong physical abuse at rape ang suspek.

Leave a Reply