Share:

By Frances Pio

––

Noong Huwebes, tinantya ng Forbes ang net worth ng Los Angeles Lakers Superstar na si LeBron James ay umabot na sa $1 bilyon. Siya ang unang aktibong manlalaro ng NBA na naabot ang billionaire status.

Si Michael Jordan, na ang net worth ayon sa Forbes ay nasa $1.7 bilyon, ay naabot lamang ang billionaire status sa loob ng 11 taon matapos ang kanyang retirement.

Tinatayang kumita si James ng $121.2 milyon noong nakaraang taon ayon sa Forbes.

Binanggit ni James sa isang panayam noong 2014 sa GQ na ang pagiging bilyonaryo ay isa sa kanyang mga target.

“If it happens. It’s my biggest milestone, … Obviously. I want to maximize my business. And if I happen to get it, if I happen to be a billion-dollar athlete, ho. Hip hip hooray! Oh, my God, I’m gonna be excited,” ika ni LeBron.

Sa kabila ng halos $400 milyon na kita mula sa suweldo sa panahon ng kanyang karera sa NBA kasama ang mula sa Lakers, Cleveland Cavaliers at Miami Heat, ang mga kita sa labas ng court ni LeBron ay higit na nalampasan ito.

Tinatantya ng Forbes na si LeBron James, 37, ay kumita ng higit sa $900 milyon mula sa mga pamumuhunan sa negosyo at pag-endorso.

Kasama sa kanyang mga pamumuhunan at negosyo ang Spring Hill Company, isang umbrella group na kinabibilangan ng kanyang Uninterrupted at SpringHill Entertainment; Fenway Sports Group; isang $80 milyon na portfolio ng real estate; at Blaze Pizza.

Bilang pinalaki ng single mother sa Akron, Ohio, siya naglagay ng malaking pera sa kanyang bayan, nagbukas ng paaralan at nagpaplano ng pabahay at isang community center para tulungan ang mga pamilya at bata.

Sa court, si James ay nanalo ng apat na NBA championships, apat na beses na pinangalanang MVP sa liga at napili sa 18 All-Star teams. Nanalo rin siya ng dalawang Olympic gold medals.

Leave a Reply