Share:

Hindi na maaaring i-anunsyo ng mga LGU kung anong brand ng bakuna ang mayroon sa kanilang lugar na gagamitin sa iba’t ibang indibidwal. Samakatuwid, sa indibidwal na lamang na babakunahan sasabihin kung anong brand ang gagamitin na bakuna sa kanya. 

Ayon sa pahayag ni DILG Secretary Eduard Año, hindi na maaaring ianusyo sa publiko kung anong klaseng bakuna ang mayroon sa kanilang mga sinasakupan. 

“The best vaccine is the one that is available; therefore in order to overcome brand preference, LGUs should not announce the brand of vaccine to be used in vaccination centers,” ayon kay Año. 

“The person will be informed of the brand in the vaccination center and he will have to give his informed consent but if he refuses, he will have to go back to the back of the line,” dagdag pa niya. 

Ayon kay Año ang karapatan ng indibidwal na malaman ang bakuna na ibibigay sa kanila ay hindi malalabag at ang hakbang na ito ay isasagawa lamang upang maiwasan na muli ang pag dagsa ng mga tao sa vaccination center na dulot na rin umano ng pag anunsyo kung anong bakuna ang mayroon.

“We need to educate the people in order to overcome brand preference. All FDA-approved vaccines are just Emergency Use Authorization. They are all similarly situated,” ani niya. 

“Our health experts have repeatedly said that there is none that is more effective than the other. All of them prevent hospitalization or critical illness from Covid. That is what is important,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang istratehiya na ito ay magdudulot ng pagbilis ng pagbabakuna sa mga indibidwal.

Leave a Reply