Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nagpaabot ng pagbati si Liam Payne sa kanyang dating kapwa miyembro ng boyband na One Direction na si Harry Styles matapos masungkit ang dalawang parangal mula sa Grammy Awards.

“Wow… this image is really something to wake up to and when you write music like you do Harry you deserve every millisecond of that moment looking down smiling at the trophy you’ve earned. God bless you brother congratulations,” ani Payne sa kanyang Instagram post.

Photo source: Liam Payne’s Instagram post

Sa katatapos lamang na Grammy Awards, nanalo si Styles bilang Best Pop Vocal Album at Album of the Year para sa kanyang album na “Harry’s House.”

Magkasama sina Payne at Styles, pati sina Zayn Malik, Louis Tomlinson, at Niall Horan, sa One Direction bago maging soloista ang bawat miyembro nito.

Nabuo ang naturang banda noong 2010 sa “The X Factor UK”.

Sikat na sikat sa buong daigdig ang nasabing boyband sa kanilang mga kanta na “What Makes You Beautiful”, “One Thing”, “Little Things”, at “Night Changes”.

Unang umalis sa grupo si Zayn Malik noong 2015, ang taon kung kailan bumisita ang banda sa Pilipinas para sa kanilang On The Road Again Tour sa Maynila na idinaos sa SM Mall of Asia Concert Grounds.

Leave a Reply