Ang Lungsod ng Taguig ay magpapatuloy sa kanilang libreng RT-PCR testing kahit sumailalim na ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) with a new alert levels.
Magpapatuloy ang Taguig City ayon kay Mayor Lino Cayetano nitong Lunes, na magbibigay sila ng libreng tests sa mga mamamayan ng Taguig. Ito ay kanilang pamamaraan upang malabanan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang lungsod.
Base sa datos nitong Setyembre 18, 2021, ang Taguig ang may pinaka maraming bilang ng dumaan sa RT-PCR testing sa bansa, 200,715 o 20 persyento ng populasyon ng lungsod. Dahil sa agresibong contract tracing, at pagbabakuna, ang Taguig ang may pinaka mababang fatality rate sa Metro Manila, na nasa 0.73% kumpara sa 1.85% ng buong Metro Manila.