Gustong i-revoke ni Sen. Lito Lapid ang expiration date sa identification cards ng mga taong may kapansanan o (PWD) kung saan sila ay nag hihirap sa panghabang buhay na karamdaman.
Senate Bill No. 1795 removes the “unnecessary burden of renewing PWD ID’s every three years,” ang pahayag ni Lapid
“Hindi na sila dapat pahirapan pang i-renew ang kanilang PWD ID lalo na kung ang kapansanan nila ay panghabang-buhay na,” ang sabi niya said.
“Makakabigat lamang sa kanila ang pagsasailalim sa paulit-ulit na proseso ng pagkuha ng ID at pag-aaksaya lang din ito ng kanilang oras at salaping pambayad sa renewal fee,” dagdag niya pa
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, kailangan mag sagawa muli ng evaluation ang gobyerno kung ang mga PWD ay nakakaranas parin ng karamdaman kung saan ay may karapatan itong makakuha ng PWD ID.
Makaka discount ng 20% sa iba’t ibang services ang may ID na PWD at siya ay libre sa pag babayad ng value added taxes.
Ang nagbibigay lamang ng mga PWD ID cards ay ang mayors o ang kapitan ng barangay at ito ay binibigay lamang sa mga may karamdaman na psychosocial disability, chronic illness, learning, mental, visual, orthopedic, speech o hearing impairments.