Share:

By: Margaret Padilla

––

Namataan kamakailan na magkasama at magkahawak-kamay sa Belo Medical Clinic sina Enrique Gil at Liza Soberano, isang celebrity couple, na tumapos sa tsismis ng hiwalayan.

Lumabas sa short video clip na nag-uusap sina Soberano at Gil, na kilala bilang LizQuen love team, at makikitang nakangiti ang aktres habang nakikipag-usap sa kanyang nobyo.

Nakunan ang celebrity couple na naglalakad at magkahawak-kamay habang bumibisita sa clinic sa isang Instagram video na ipinost ng cosmetic surgeon na si Hayden Kho.

“Despite her very busy schedule, @lizasoberano squeezed in a Belo day at our Belo Bonifacio High Street clinic. We maximized her visit by doing our new do-it-all facial, the RENOVA POWERFACIAL,” sabi ni Kho sa kanyang caption.

Tuwang-tuwa at nagdiriwang ang mga fans ng real-life loveteam sa nasabing post.

“Thank you @dochayden namiss namin (ang) LizQuen,” ayon sa isang Instagram user.

“Thanks, Dr. Hayden! Just love to see my favorite couple/actors together.”

“No one’s breaking up these strong lovers, so lovely together.”

“Salamat Sir Hayden sa paayuda. Miss na namin sila grabe. Bait talaga ni doc. Hayden sa aming mga fans. We love you po doc,” comment pa ng isang fan.

Ito ang unang beses lumabas sa publiko na magkasama sina Soberano at Gil mula nang kumalat ang tsismis sa online noong Mayo na naghiwalay ang dalawa ng maglakbay siya sa ibang bansa nang wala ang kanyang kasintahan. Si Gil ay nasa Spain kasama ang kanyang pamilya noong mga buwang iyon, habang si Liza ay nasa Los Angeles.

Matapos ipahayag na si James Reid, isang kapwa artista, ang magiging bagong manager ni Soberano at pumirma siya sa music label ni Reid, Careless Music, ispekulasyon ng netizens na hiwalay na ang couple at nagsimulang iugnay si Soberano kay Reid.

Nauna nang itinanggi ni Soberano ang mga tsismis noong Hunyo at nilinaw na may relasyon pa rin sila ni Gil. Tiniyak niya na very supportive ang nobyo sa kanyang mga pagsisikap at sila ay madalas mag-video call sa isa’t isa habang siya ay nasa Los Angeles.

Samantala, tinalakay ni Soberano ang kanyang mga plano sa kanyang career sa mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang label na Careless Music’s Instagram Stories noong Hulyo 14.

Tiniyak ng aktres sa mga fans na hindi niya tinatalikuran ang kanyang acting career kahit na may plano siya na maglabas ng mga awitin.

“Hindi ako nag give up sa pag-arte. It’s still my main thing but because I’ve been doing it for so many years, I feel like there’s not much for me to do in the [Philippines] that will really help me grow and hone my craft,” aniya. “Kaya ako ay pumipili sa mga role na gagampanan ko at hanggang ngayon hindi ko pa nahahanap ang tama(ng role).”

Leave a Reply