Share:

By Frances Pio

––

Pursigido si Mayor Benjamin Magalong sa muling pagbubukas ng Loakan Airport dito bilang all-weather commercial airport matapos ipaalam sa kanya ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Department of Transportation (DOTr) na ang pondo para sa modernisasyon nito ay ilalaan sa susunod na taon.

Sinabi ni Magalong na nakipagkita siya kay Capt. Stanley Ng, presidente at chief operations officer ng Philippine Airlines, upang talakayin ang operasyon ng flag carrier sa Loakan.

Kung muling magbubukas ang paliparan, ani Magalong, aalisin ang mga bahay at iba pang istrukturang humahadlang sa buffer zone nito at hindi na papayagan ang mga aktibidad tulad ng paglalakad o pagtawid sa runway.

“There at least 300 houses are located within the buffer zone. We need to deal with the illegal structures within the airport reservation now,” sinabi ni Magalong.

Aniya, isang serye ng mga diyalogo ang isinagawa ng City Building and Architecture Office (CBAO) at ng CAAP sa mga apektadong stakeholders para pag-usapan ang boluntaryong demolisyon ng kanilang mga istruktura.

Huminto ang mga operation ng mga commercial airline sa Loakan noong 1990s dahil sa kahirapan sa paglapag sa 1.6-kilometrong runway gayundin ang zero visibility na kondisyon na karaniwang nararanasan dahil sa makapal na fog, hindi sapat na pag-navigate at landing system, kaligtasan ng trapiko, at maikling runway.

Noong 2019 pa, humingi ng tulong si Magalong sa DOTr sa pamamagitan ni dating Secretary Arthur Tugade para maglaan ng pondo para sa renovation na kailangan para i-upgrade ang Loakan. Gayunpaman, ang proyekto ay naabutan ng ilang mga kaganapan, lalo na ang pandemya.

Leave a Reply