Share:

Ika-6 ng Hulyo, nakatanggap ang SONA director na si Joyce Bernal ng sulat mula kay Vice Mayor Felecito Dula gamit ang kanilang facebook page na nagsasabing hindi sila pwedeng papasukin sa Sagada para sa SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte. 

“In these difficult times and in lieu of the foregoing reasons, we regret to inform you that entry of the team is being disallowed,”

Hindi pa umano handa ang Sagada na mag papasok ng mga turista at mga taong posibleng positibo sa COVID-19.

Tuwing ika-apat ng Lunes s buwan ng Hulyo, isinasagawa ang State of the Nation Address ng Pangulo. 

Ngunit ng dahil sa pandemya, maaring sa Batasang pambansa nalang ito gawin o kaya sa pamamagitan ng “video conference” na lamang.

Leave a Reply