By Christian Dee
MAYNILA – Tanging ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas lamang mula sa mga lungsod sa National Capital Region (NCR) ang ginawaran ng Department of Interior and Local Government – NCR (DILG-NCR) ng SubayBayani ngayong taong 2022.
Ipinarangal ang special award sa nasabing lokal na pamahalaan dahil sa tanyag na ipinamalas nito sa “result –based monitoring and evaluation of local government unit (LGU) infrastructure project”.
Ginanap ang paggawad nitong Lunes, Disyembre 12 sa Cocoon Boutique Hotel sa Quezon City.
Ibinibigay ang special award na SubayBayani upang kilalanin ang mahusay at “consistent” na ipinamalas ng mga focal person ng lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng kabuuang pagpapatupad at pagsubaybay ng mga proyektong imprastruktura ng LGU na naka-enroll sa mga platapormang nasa ilalim ng SubayBayan ayon sa alkalde ng Las Piñas na si Mayor Imelda Aguilar.
Kasama ng alkalde na tumanggap ng parangal mula sa DILG si Vice Mayor April Aguilar.