Share:

By Frances Pio

––

Sa ngayon, tanging ang Light Rail Transit 2 (LRT-2) lamang ang mag-aalok ng libreng sakay sa mga mag-aaral sa darating na pasukan sa ilalim ng programang “Libreng Sakay,” sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista nitong Miyerkules.

Ngunit inirekomenda na ni Bautista kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalawang pulong sa Gabinete, ang extension ng programa sa Manila Metro Rail Transit System Line 3 (MRT 3) at Philippine National Railways (PNR).

Nakabinbin pa rin ang pag-apruba sa rekomendasyon.

Nauna rito, inanunsyo ni Pres. Marcos ang pagpapalawig ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel hanggang Disyembre 2022. Idinagdag niya na mayroon ding libreng sakay sa tren para sa mga mag-aaral mula Agosto 22 hanggang Nobyembre 4.

Ang libreng sakay ay kasabay ng pagbubukas ng in-person classes sa darating na pasukan, ayon sa inilabas na utos ni Vice President Sara Duterte, na siya ring kalihim ng Department of Education.

Leave a Reply