Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong Lunes, Marso 13, na sususpindehin nito ang operasyon ng tren sa LRT-2 sa darating na Holy Thursday hanggang Easter Sunday, Abril 6 – 9.

Bagama’t sa Abril 6 pa ang simula ng pagsususpinde sa operasyon nito, paiikliin na rin ito sa hanggang alas-7 ng gabi lamang operasyon nitosa Abril 5 para sa mga rutang patungo at pabalik sa Recto at Antipolo.

Nakikiisa ang LRTA, base sa pahayag nito, sa Simbahang Katoliko sa paggunita sa Semana Santa pinakasagradong linggo na taun-taong ipinagdiriwang.

Ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, ang apat na araw na tigil-operasyon ay makapagbibigay ng oras sa LRTA na makapagsagawa ng masusing pagpapanatili sa mga tren sa LRT-2, mga pasilidad ng estasyon, at mga kagamitan nito para masiguro ang kaligtasan.

“We normally take advantage of the Holy Week to perform our yearly maintenance activities,” ani Cabrera.

“With this, we appeal for understanding from the riding public and request that they plan their trip and take alternative transportation during this period,” dagdag pa niya.

Magbabalik naman sa normal na operasyon ang LRT-2 sa susunod na Lunes, Abril 10, pagkatapos ng Semana Santa.

Leave a Reply