Share:

By Frances Pio

––

Hinuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang JoyRide driver dahil sa labis na paniningil matapos makatanggap ng reklamo laban sa ride-hailing firm dahil sa feature nitong priority fee.

Sa isang Laging Handa briefing noong Sabado, Hunyo 4, sinabi ni LTFRB Executive Director Kristina Cassion na nagtalaga ang LTFRB ng mga mystery riders noong Hunyo 3 bilang tulong sa kanilang imbestigasyon sa reklamo ng hindi awtorisadong priority fee. Sinubukan ng mga mystery riders na ito na mag-book sa mga platform ng Grab, epickmeup, at JoyRide.

Sinabi ni Cassion na nang sinubukan ng isang mystery rider na mag-book sa JoyRide nang walang priority booking fee, walang tsuper na tumanggap sa kanyang booking. Ngunit nang subukan niyang magdagdag ng priority booking fee na P100, agad na tinanggap ng isang driver ang kanyang booking.

“At the destination, ’yung ating mga enforcers ay nakaabang na at hinuli po natin ’yung driver po na ‘yun for overcharging. And then wala din siyang kaukulang papel na dala so tinikitan din po siya na failure to carry his provisional authority,” ika niya.

Nauna nang nagpadala ng liham ang LTFRB kay JoyRide na humihiling sa kumpanya na ipaliwanag kung bakit hindi dapat bawiin ang accreditation nito bilang isang transportation network company. Sinabi ni Cassion na itinanggi ng JoyRide ang labis na mga singil.

Gayunpaman, ang pagtanggi ni JoyRide ay pinabulaanan ng karanasan ng mystery rider.

Leave a Reply