Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Kinukwestiyon ng isang grupo ng mga commuter, Lawyers for Commuters Safety and Protection, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol sa pagpapayag nito sa dobleng singil ng mga Transport Network Vehicle Service.

Nais malaman ng nasabing grupo kung paano ang pagkukuwenta ang ipinapataw sa pasahe, ayon sa founder nitong si Ariel Inton sa isang panayam.

Pinagpaliwanag naman sa House Committee on Metro Manila Development ang LTFRB at ang Grab, dahil sa mahal na singil sa mga pasahero ng nasabing TNVS.

Ani Inton, kailangang ipaliwanag ang kanilang hinihinging paraan ng pagkukuwenta sa ipinapataw na surge.

“Kinakailangan ipaliwanag yan, kahit nung nasa LTFRB ako yan ang hinihingi namin, how do you compute yung surge kasi ang sinasabi nila depende sa demand at supply ng sasakyan at a given time,” aniya.

“Kasi yung flagdown rate, at saka fare per minute at per kilometer klaro, pero pagdating sa surge times 2 nung per kilometer at per minute, how do you apply the surge?” dagdag pa ni Inton.

Leave a Reply