By Christian Dee
MAYNILA – Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary na si Jose Arturo Tugade sa mga nag-aalok ng “habal-habal” na maari silang makasuhan ng colorum violation.
“There is no law that authorizes, recognizes, and regulates ‘habal-habal’ to be a mode of public transportation so what they are doing is illegal,” ani Tugade sa isang pahayag.
Kaugnay nito pinaalalahanan din ng LTO ang mga kabilang sa Motorcycle Taxi Pilot Study Program na iwasan ang sobrang singil sa mga pasahero nito.
Nakatatanggap ang LTO ng mga reklamo mula sa mga pasahero ukol sa mas mataas na sinisingil ng mga rider ng motorsiklo kahit malapit lamang ang destinasyon ng mga ito, dahilan para magbabala ang ahensya.
Giniit naman ng mga MC taxi participants na hindi nila pinapayagang maningil ng sobrang pasahe ang kanilang mga riders.