By Frances Pio
––
Pinahintulutan ang Land Transportation Office (LTO) na i-upgrade ang extension office nito sa Bayan ng Talibon para maging bagong district office sa Bohol.
Sa isang pahayag na inilabas noong Biyernes, sinabi ni LTO-Central Visayas Director Victor Emmanuel Caindec na inaprubahan ni Dating Pangulong Duterte ang panukalang batas na gawing independent district office ang opisina ng Talibon.
Ang Republic Act 11789 ang lumikha ng LTO Talibon District Office matapos itong maging batas noong Mayo 29.
Sinabi ni Caindec na ang bagong district office ay nangangahulugan ng mas magandang serbisyo para sa lugar dahil hindi na nito kakailanganing umasa sa budget ng Tagbilaran District Office.
“They already have their office budget, including the salaries of their employees, maintenance and operating expenses,” paliwanag niya.