Inanunsyo ni Mayor Isko Moreno sa kanyang live kahapon (lunes) na makakatanggap ng mahigit P100,000 ang mga barangay na walang maitatalang kaso ng Covid-19 simula ngayong araw (Sept. 1) hanggang sa katapusan ng Oktubre. Ito ay malaking hamon sa bawat barangay sa lungsod ng Maynila at ang premyo ay malaking tulong din naman sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay Mayor Isko, naglaan na ng budget ang pamahalaan ng Maynila ng mahigit P89.6 milyon para sa hamon na ito. Ang buong Maynila ay mayroong mahigit 896 na barangay.
“Kapag kayo po ay walang nairehistro sa amin na walang impeksyon, walang new cases in the next two months sa inyong barangay, kayo po ay magkakamit ng P100,000,” ani ni Moreno.
Ito ay hindi lamang makatutulong sa lungsod ng Maynila kundi pati na rin sa national government, dahil mababawasan ang kabuuan ng bilang ng kaso na may Covid sa ating bansa. Makakatanggap din ng ang opisyal mga ng barangay na makakagawa sa challenge na ito.
Sa kasalukuyan mayroong 8,110 na kaso ng Covid sa lungsod ng Maynila at 6,911 na dito ang gumaling sa sakit.