Maglulunsad ng libreng PT-PCR testing o mas kilala na Swab Testing ang lungsod ng Maynila para sa mga empleyado ng mga pampublikong establisyimento at mga drayber ng pampublikong sasakyan.
Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, ito ay magandang paraan upang maiwasan na ang patuloy na pagkalat ng virus sa lungsod ng Maynila. Ani niya, ang mga empleyado sa pampublikong establisyimento ang nais nilang bigyan ng libreng swab test dahil di umano sila ang mga nakakasalamuha ng maraming tao na nagpupunta sa mga establisyimento.
Kabilang sa mga makakatanggap ng libreng swab test ay ang mga mall employees, market vendors, supermarket workers, restaurant workers, hotel staff at mga drayber ng jeep, tricycle, e-trike at bus.
Magsisimula ito pagkatapos buksan ang Sta Ana Hospital’s second molecular laboratory na maaaring makapagsagawa ng mahigit 1,000 swab test kada-araw.
“The city finds it imperative to provide the employees of these establishments with free RT-PCR testing as the city’s proactive initiative in balancing health and economy for the general welfare of Manileños,” ani ni Moreno.