Source: Facebook
Share:

Sino na lang ang maaaring magcomment sa isang Facebook posts?

‘Yan ay nasa kamay na ng mga users nito base sa inilabas na bagong feature ng social media company kung saan maaari nang piliin ng user kung sino lamang ang makaka-comment sa kanilang mga post.

Isa itong hakbang upang mabawasan ang mga hindi kanais-nais na mga usapan na kadalasang nagiging dahilan ng mga away sa naturang social media platform.

“By adjusting your commenting audience, you can further control how you want to invite conversation onto your public posts and limit potentially unwanted interactions. And if you’re a public figure, creator or brand, you too can choose to limit your commenting audience on your public posts to help you feel safe and engage in more meaningful conversations with your community,” ani Facebook.

Ang bagong sistemang ito ay di lamang para sa mga personal na post kundi pati na rin ang mga ‘Pages’ ay makakapili na kung sino lamang ang makakapag-comment sa kanilang mga updates.

Ayon sa The Guardian, ito ay alinsunod sa desisyon ng Korte sa Australia na nagsasabing may pananagutan ang mga news media companies para sa mga negatibo at mapanirang mga komento na inilalagay ng mga users sa kanilang mga Facebook Page na bukas sa publiko.

“The ruling found media companies have a responsibility to pre-moderate comments, but previously there was no way to screen comments posted on Facebook before they were published, unless the page administrators used a limited keyword filter to pick up a word or words and prevent comments containing those words being posted,” ayon sa The Guardian.

Leave a Reply