Share:

Hinamon ni Sen. Nancy Binay si Health Secretary Francisco Duque na hanapin ang kanyang sarili o mag “soul searching” matapos di umano ang hindi mapigilang paglaganap ng Covid-19 sa ating bansa dahil sa pagpapabaya daw nito sa pamamahala niya sa DOH.

Dagdag ni Binay ay kaisa siya ni Sen Panfilo Lacson sa nagmungkahi na bumitaw na sa pwesto si Duque at nagmungkahi kay President Duterte na panahon na para palitan sa pwesto si Duque.

“At the end of the day it’s the call of the President whether to let go of Secretary Duque but siguro, it’s high-time for the Secretary to do some soul-searching if he can really do the job. Baka kailangan sa kanya na manggaling”, ani ni Binay.

Matapos ianunsyo ng Pangulo na sasailalim muli sa mas mahigpit na community quarantine ang NCR at ibang lugar na may mataas na kaso, hinamon ni Binay ang bawat isa na mas maging responsable lalo na sa pag gawa ng contact tracing. Ani pa niya hindi ito masosolusyunan kung ang gobyerno lamang ang gagalaw at walang pakikiisa ng mga mamamayan.

Sa kasalukuyan naman ay umabot na sa mahigit 106,000 ang nagpositibo sa Covid-19 sa ating bansa.

Leave a Reply