Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Isang magnitude 5.2 na lindol ang tumama sa Cortes, Surigao Del Sur nitong Linggo.

Ayon sa Earthquake Information na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, inaasahan ang aftershocks matapos ang pagyanig.

Napag-alaman na ang epicenter ng lindol ay makikita sa 30 kilometro hilagang silangang bahagi ng nasabing bayan.

Sabi ng institusyon, tectonic ang origin ng naramdamang pagyanig at naitalang nagsimula ito bandang alas-12:43pm na may depth of focus na 61 kilometro.

Naitala rin sa mga sumusunod na lugar ang instrumental intensities base sa PHIVOLCS:

  • Intensity II – Tandag, Surigao del Sur
  • Intensity I – Cabadbaran City, Agusan del Norte

Wala namang naiulat na pinsala ang lindol.

Leave a Reply