Share:

By Margaret Padilla

Ngayong Nobyembre, ipagdiriwang ng sikat at multi-awarded drama anthology show na “Magpakailanman” ang ika-20 anibersaryo nito sa GMA Network.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo nito, ang MPK ay naghahatid ng panibagong seleksyon ng mga tunay na inspirational, madamdamin, at kahit nakaka-suspense na mga life-changing stories.

Ayon sa Manila Bulletin, inihayag ni Ms. Mel Tiangco, host ng MPK, Kapuso Foundation Ambassador, at Special Adviser, ang susi sa tagumpay ng Magpakailanman.

I think it is the sincerity of the show more than anything else. Bawat isa sa atin, may kanya-kanyang kwento, hamon, at personal na tagumpay. Nakaka-relate ang viewers namin sa mga totoong kwento at totoong tao na itinatampok sa MPK,” aniya.

Ipinaliwanag din ni Tiangco na ang tanging layunin niya para sa palabas ay para ma-move, ma-inspire at maaliw ang manonood. Umaasa siya na ang mga tao ay mabibigyan ng inspirasyon at matuto ng isang bagay na maaari nilang balikan at magamit sa hinaharap.

Samantala, idiniin naman ni Ms. Lilybeth G. Rasonable, Senior Vice President for Entertainment Group, kung paano naapektuhan ng programa ang buhay ng maraming tao at kung gaano ito kahalaga sa bawat miyembro ng Magpakailanman team.

Ipinahiwatig niya na ito ay naging higit pa sa isang trabaho sa nakalipas na dalawang dekada at ang #MPK ay nagiging mas ‘relevant’ para sa kanilang lahat.

To be able to start an inspiration lalo na throughout the pandemic and now that we are on very challenging times, nagiging mas relevant ang #MPK para sa ating lahat,” pahayag ni Rasonable.

Samantala, ang direktor ng programa na si Neal del Rosario ay naglarawan kung paano niya pinapanatili ang pagiging totooo ng bawat kuwentong naka-highlight sa MPK.

Sinabi ng direktor na nakipag-usap siya sa paksa ng bawat episode bago ang video shoot, at nagpapakilala siya sa aktor na gaganap sa papel upang makuha ang emosyon na kailangan niya, at sa huli, ang bawat episode, anuman ang genre, ay nag-iiwan ng impresyon sa mga manonood. (Photo: GMA Network Entertainment)

Leave a Reply