Share:

By Frances Pio

––

Nabigong depensahan ni Mark Magsayo ang kanyang WBC featherweight title laban kay Rey Vargas sa pamamagitan ng split decision nitong Linggo (Manila time) sa Alamodome sa San Antonio, Texas.

Si Magsayo ay umiskor ng knockdown sa ika-siyam na round, pinatamaan niya si Vargas ng kanyang kanang kamay ngunit hindi ito naging sapat dahil nagpakita ng mahusay na determinasyon ang unbeaten Mexican.

Dalawang judges nagbigay ng mga umiskor na 115-112, 115-112 para kay Vargas habang ang isa naman ang nagbigay ng panalo kay Magsayo, 114-113.

Ngayon ay two-division champion na si Vargas (36-0, 22KOs). Siya ay dating kampeon sa super bantamweight bago umabot sa 126 pounds.

Ang 27-anyos na si Magsayo, na naranasan ang kanyang unang pagkatalo matapos simulan ang kanyang pro career na may 24-0 record na may 16 knockouts, ay nahirapan sa pakikipagsagupa sa mas matangkad na si Vargas.

Gumamit si Vargas ng mabisang jab na nakagambala sa timing ni Magsayo.

Dahil sa pagkatalo ni Magsayo, ang Pilipinas ay walang kasalukuyang kampeon sa boksing.

Leave a Reply