Marami sa mga senador ang nadismaya matapos hindi umano maipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit 10 bilyon na nakalaan sa Social Amelioration Program (SAP). Marami na sanang pamilya ang natulungan kung ito ay ipinamahagi ng DSWD.
Nagbigay ng opinyon ang ibang Senador patungkol dito. Sinasabe na ang mahigit 10 bilyon ay idineklara ng DSWD bilang savings na kwinestyon naman ng mga mambabatas.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, ay hindi nagawa ng pamahalaan ang nais na pagtulong dahil di umano sa ginawa ng DSWD. Ani pa niya, napakaraming pamilya at indibidwal ang patuloy na nangangailangan lalo na sa pagpapatuloy ng pandemya.
Ayon naman kay Senador Risa Hontiveros, nararapat ipagpatuloy ang pamamahagi ng SAP dahil di umano inilagay muli sa mas mahigpit na quarantine ang ibang lugar noong nakaraang buwan. Umaasa naman si Sen. Sonny Angara na agad itong aaksyunan ng ahensya at ibibigay sa mga mamamayan ang para sa kanila.
Ayon naman sa DSWD, ang pondo na ito ay balak nilang ilaan bilang livelihood assistance para sa mahigit 600,000 na pamilya. Hinihintay pa ang pahayag ni Pangulong Duterte ukol dito.