Share:

By Frances Pio

––

Mahigit 14 na milyong indibidwal na ang nakatanggap ng National ID sa buong bansa, iniulat ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) nitong Lunes.

Sinabi ng PhilPost Postmaster General at Chief Executive Officer na si Norman Fulgencio na 14,033,000 sa 14,800,000 national IDs na nakahanda na para sa delivery ang naipamahagi noong Hulyo 8,2022.

“As of July 8, we were able to deliver already 14,033,000…So ongoing yung about 700,000 plus since July 8,” sinabi ni Fulgencio sa Laging Handa Briefing.

“So by tomorrow, we will get our latest update report. Siguro yung [700,000] baka nabawasan na yan ng mga 350,000 so siguro 50 percent na lang ng balance natin yung nai-deliver na,” dagdag pa niya.

Nang tanungin tungkol sa mga naiulat na pagkaantala sa pagpapadala ng mga National ID, sinabi ni Fulgencio: “I don’t think I’m the right person to answer the question.”

“Ang trabaho namin ay i-deliver ‘yan. Once na matanggap namin, Kailangan naming i-deliver. ,” sinabi ni Fulgencio.

“Kung ano yung reason kung bakit nadedelay, we’re not technical about it. Baka mas maganda si PSA (Philippine Statistics Authority) ang sumagot nun,” dagdag pa niya.

Leave a Reply