Share:

Pinabibilis ng City Government at ng Health Office ng Cagayan de Oro ang pagbabakuna sa mga residente nito matapos makita ang ambag nito sa pagpapahina ng pagkalat ng COVID-19 sa lungsod, ayon kay Mayor Oscar Moreno.

Ayon sa datos nitong Setyembre 19, 2021, 369,142 residente na ang nakatanggap ng vaccine doses sa lungsod. Mula sa kabuuhang bilang, ang 233,017 dito ay nakatanggap na ng unang dose ng bakuna at 136,017 ang fully vaccinated na.

Sa ngayon, may 812 deaths nang naitatala ang Cagayan de Oro. 91 porsyento o 736 sa mga namatay ay hindi mga bakunado.

Leave a Reply