Share:

Mahigit 800,000 na Pilipino na ang nakapag parehistro sa unang hakbang para sa Philippine Identification System (PhilSys) ayon sa Philippine Statistics Authority.

Nagsimula ang online registration noong Abril 30 at nakaranas nga ng technical error ang karamihan ng mga nagparehistro.

Ayon naman sa PSA, nasa 34 milyong Pilipino naman ang nakapagparehistro na sa pamamagitan ng “house to house collection of demographic” data na kadalasang isinagawa sa mga probinsya sa bansa.

Ang unang step na tinutukoy dito ay ang pagkuha ng mga personal na impormasyon ng indibidwal, ang ikalawa naman ay ang pagkuha ng kanilang biometric data.

“The third and final step of PhilSys registration will involve the issuance of the PhilSys Number (PSN) and the physical ID or the PhilID. The PSN is a randomly generated number that will serve as a permanent identification number for every registrant,” ayon sa PSA.

Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposed national identification system noong 2018.

Leave a Reply