Share:

Naging viral ang isang video post tungkol sa Grab delivery rider at pagbabawal sa kanya ng isang ginang na mag-deliver nang lugaw dahil ito raw ay “Non-essential”.

Ang usapin na ito ay umabot din Palasyo. Ayon kay Spokesman Harry Roque, pinapayagan ang 24/7 na delivery sa loob ng NCR plus. Dadag pa nya na ang lugaw at iba pang mga pagkain ay tinuturing na essential at dapat hindi maantala kahit sa mga checkpoints.

Sa Facebook post, hinikayat naman nang Grab ang publiko na pasalamatan ang mga riders sa patuloy na paghahatid ng mga essential needs, at pagsunod sa protocols. Kasabay din nito nag-alok ng promo code na “LUGAWISESSENTIAL” para sa free delivery.

Leave a Reply