Share:

By Frances Pio

––

Inaasahang mababawasan ang babayaran ng mga mamimili para sa isang litro ng gas, diesel at kerosene sa susunod na linggo matapos sabihin ng Department of Energy (DOE) na inaasahan ang malaking rollback na hanggang P6 kada litro para sa lahat ng produktong petrolyo.

“We will have a huge rollback next week on all products [by] P5 to P6 per liter,” sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad.

Tinutukoy niya ay ang mga produktong gas, diesel at kerosene— ang mga price adjustment nito ay inaanunsyo ng mga lokal na kumpanya ng langis linggu-linggo.

Ipinaliwanag ni Abad na ang mga inaasahang rollback ay dahil sa mababang pandaigdigang demand na dulot ng: patuloy na lockdown sa financial hub ng China na Shanghai; pagtaas ng interes sa ilang bansa kabilang ang U.S at U.K; at ang banta ng global recession na maaaring humantong sa “demand destruction.”

Leave a Reply