Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Miyerkoles, Pebrero 8, naglabas ng abiso sa trapiko ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Mandaluyong.

Ito ay kaugnay paggunita ng ika-78 Liberation Day at ika-29 Cityhood anniversary ng lungsod sa darating na Huwebes, Pebrero 9.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sarado ang gawing Kalentong bukas ng alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga para sa gagawing commemorative program.

Kaya payo ng lokal na pamahalaan, gawing pansamantalang ruta muna ang Lubiran Bridge – Bagumbayan, Bacood, Manila.

One-way naman ang simula alas-12 ng tanghali hanggang alas-2 ng hapon ang bahagi ng Shaw Boulevard papuntang Sta. Ana sa Maynila para bigyang daan ang gaganaping Grand Motorcade.

Base sa inilabas na abiso ng naturang lokal na pamahalaan, ang parada ay magsisimula sa Don Bosco Technical Institute at dadaan sa mga sumusunod na lugar:

  • Bonifacio Street
  • A. Luna Street
  • Aglipay Street patungong Boni Avenue
  • P. Cruz Street
  • F. Blumentritt
  • Private Road
  • Pantaleon
  • Barangka Drive
  • Boni Avenue patungong DM Guevarra
  • Calbayog
  • DM Guevarra patungong Fernandez
  • Nueve de Pebrero
  • Martinez Avenue
  • San Rafael
  • Boni Avenue patungong Maysilo Circle

Payo naman ng MMDA, maghanap muna ng pansamantalang dadaanan.

Leave a Reply