Share:

By Frances Pio

––

Nagdagdag si Kim Mangrobang ng isa pang gintong medalya sa Southeast Asian Games sa kanyang koleksyon matapos maghari sa duathlon sa Hanoi, Vietnam nitong Linggo sa Tuần Châu.

Isang araw matapos maghari sa triathlon, nanalo rin si Mangrobang sa duathlon para maging 14 ang gintong medalya ng Pilipinas sa 31st SEA Games.

Ito na ngayon ang ikalimang SEA Games gold medal para kay Mangrobang, na nanalo sa triathlon sa tatlong sunod na edisyon habang nagdagdag ng mixed relay gold mula sa 2019 SEA Games sa Manila.

Leave a Reply